Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 si House Majority Leader Martin Romualdez.

“Today, I received the result of my RT-PCR test showing that I am positive for Covid-19,” banggit ni Romualdez sa isang pahayag kagabi.

Nakatakda aniya siyang sumailalim sa isa pang test “to rule out a false-positive result.”

Ayon sa mambabatas, naka-isolate siya ngayon at binabantayan ng kanyang doktor ang lagay niya.

“Let me assure those who are concerned with my physical well-being that I am coping well despite experiencing symptoms of the disease, and that I am in high spirits,” dagdag niya.

Hinikayat din ni Romualdez ang kanyang close contacts na magpa-swab test na.

The post Romualdez dinapuan ng Covid first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/romualdez-dinapuan-ng-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=romualdez-dinapuan-ng-covid)