Kailangang kumita at magtrabaho ang mga Pilipino para makabangon sa epekto ng COVID-19.

Ito ang tugon ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos ma-offend ng ilang grupo sa una niyang sinabi na halos isang taong nakabakasyon ang maraming mga tao dahil sa pandemya.

Sinabi ni Roque na nais ng economic team na makahabol ang ekonomiya kaya iminungkahing may pasok sa November 2, bisperas ng Pasko at bisperas ng Bagong Taon na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng inilabas na proklamasyon.

“Hindi naman po talaga bakasyon yan kundi hindi nakapagtrabaho. Kaya ngayon na pupuwede na po tayong makapagtrabaho sana dahil nagbubukas na tayo ng ekonomiya, hayaan naman nating kumita at makapagtrabaho ang ating mga kababayan,” ani Roque.

Nauna rito, hiniling ng ilang senador na ikonsidera at bawiin ang proklamasyon.

Pero sinabi ni Roque na ngayong mayroon ng bakuna kontra COVID-19, hayaan munang maka-recover ang bansa sa mga nawalang oportunidad at pagkalugi matapos magsara ang maraming negosyo.

The post Roque nilinaw pahayag na ‘1 taon na nakabakasyon mga Pinoy’ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/roque-nilinaw-pahayag-na-1-taon-na-nakabakasyon-mga-pinoy/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=roque-nilinaw-pahayag-na-1-taon-na-nakabakasyon-mga-pinoy)