Inanunsiyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nagpositibo siya sa coronavirus disease.

Sumailalim si Roque sa dalawang COVID-19 test kamakailan.

Nagnegatibo siya noong Miyerkoles, Marso 10, sa gabi ng kanyang biyahe kasama si Pangulong Rodrigo Duterte.

Nag-test ulit siya kahapon, Marso 14, kasi dapat kikitain niya si Duterte ngayong Lunes.

“Dito po lumabas na tayo ay positibo,” wika ng opisyal sa isang press briefing.

“Iyong nagkaroon po sa akin ng close contact, I ask you po for your indulgence, pero kinakailangan po kayong mag-quarantine.”

“Bukas po iyong magiging case bulletin ng DOH, kasama na rin po ang inyong abang lingkod because as of 11:29 this morning, nakuha ko po ang resulta na positibo po ako para sa COVID,” lahad niya pa.

The post Roque sapul ng COVID-19 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/roque-sapul-ng-covid-19/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=roque-sapul-ng-covid-19)