Garahe sa mga susunod na laro ng Charlotte Hornets si LaMelo Ball matapos magtamo ng fractured wrist.

Sa laro kontra Los Angeles Clippers, nahulog si LaMelo sa sahig kung saan nanatili pa siya sa court, ngunit mapapansin na tila may iniida ang manlalaro sa kanyang kamay.

Nang malabas ang resulta ng MRI exam ay nakita ang bali sa bandang kanang pulso ng manlalaro.

Si Ball ang nangunguna sa Rookie of the Year race, na nag-aaverage ng 15.9 points, 6.1 assists at 5.9 rebounds sa 41 laro.

Ngunit dahil sa injury, pangamba ng ilang fan na masilat sa kanya ang award at mapunta ito sa top pick ng Minnesota na si Anthony Edwards.

The post ROY nanganganib! LaMelo Ball out buong season first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/roy-nanganganib-lamelo-ball-out-buong-season/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=roy-nanganganib-lamelo-ball-out-buong-season)