Sang-ayon ang Russia na magtayo ng production ng COVID-19 vaccine na Sputnik V sa Pilipinas.

Ayon kay Kirill Dmitriev, ang CEO ng Russian Direct Investment Fund, maaring magsimula ang manufacturing ng Sputnik V sa Pilipinas sa loob ng apat hanggang limang buwan.

“We believe that Russia and the Philippines can be great partners on the production of Sputnik V vaccines, not only for Philippines but also for the region,” saad ni Dmitriev sa panayam ng CNN Philippines.

“We are in the sort of final negotiation process with them and if we reach a final agreement, we can do this production,” aniya pa.

Nakakuha na ng emergency use authorization mula sa Food and Drug Authorization (FDA) ang Sputnik V, na ibig sabihin ay puwede nang magamit ang naturang bakuna sa Pilipinas.

Inaasahan na dumating ang unang supply ng bakuna sa Pilipinas pagsapit ng Abril.

The post Russia bukas gawin Sputnik V sa Pilipinas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/russia-bukas-gawin-sputnik-v-sa-pilipinas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=russia-bukas-gawin-sputnik-v-sa-pilipinas)