Dahil sa dami ng empleyado ng San Lazaro Hospital (SLH) na nais magpabakuna kontra COVID-19, naubos na ang suplay nila ng Sinovac vaccine.

“We were given 300 doses for 150 employees kaya lang lumampas po ng kaunti kasi maraming interesado na so dadagdagan daw po. We will be given additional doses of the vaccine,” wika ni medical specialist ng SLH na si Ferdinand de Guzman sa panayam ng 24 oras.

Buhat nito, ikinatuwa ng mga doktor ang naging kinalabasan ng pagbabakuna sa kanilang ospital.

Anila, nagpapakita ito na tumaas na ang kumpiyansa ng publiko sa COVID-19 vaccine.

“Talagang natutuwa kami na at least ngayon, ito na ’yong araw na hinihintay natin sa pagbabakuna at siguro after this medyo mataas na ‘yong kompiyansa natin ‘pag humahawak ng kaso ng COVID-19,” wika ni Dr. Rontgene Salonte.

Sambit naman ni SLH medical director Edmundo Lopez, dapat nang sulitin ng publiko ang Sinovac vaccine dahil ito lang ang tanging bakuna kontra COVID-19 ng bansa sa kasalukuyan.

“This is the only vaccine available in the country so we have to make the most of what we have,” saad ni Lopez.

The post San Lazaro ubos na Sinovac vaccine first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/san-lazaro-ubos-na-sinovac-vaccine/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=san-lazaro-ubos-na-sinovac-vaccine)