Patuloy ang vaccination rollout na ginagawa sa Amerika kung saan ilang milyon na ang nabakunahan kontra COVID-19.

Sa COVID Data Tracker ng Centers for Disease Control and Prevention, aabot na sa 124.5 milyong bakuna ang naiturok na sa mga residente ng Amerika.

Sa naturang bilang 81 million ang nakatanggap ng hanggang isang dose, habang 44 million naman ang kumpleto na ang bakuna.

Kung dati ay umabot sa lampas 248,000 ang 7-day moving average ng COVID-19 noong Enero, ngayon ay bumaba na ito sa 54,369.

Sa Amerika, ang mga brand ng Moderna, Pfizer at Johnson & Johnson ang aprubadong bakuna para gamitin.

The post Sana all! 124M bakuna naturok na sa US first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sana-all-124m-bakuna-naturok-na-sa-us/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sana-all-124m-bakuna-naturok-na-sa-us)