Sumipa na sa 116,637,124 ang kabuuang bilang ng indibidwal na nagpositibo sa COVID-19 sa buong mundo.

Kasabay nito, umakyat din ang bilang ng mga nakarekober sa 92,241,794.

Sumirit naman ang death toll rate sa buong mundo sa 2,590,802.

Ayon sa ulat ng worldmetersinfo, 21,804,528 katao na ang kasalukuyang nagpapagaling mula sa COVID-19 kung saan 21,714,782 (99.6%) ang nasa mild condition at 89,746 (0.4%) naman ang nasa kritikal na kondisyon.

The post Sapul ng COVID-19 sa daigdig sumirit na sa 116M first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sapul-ng-covid-19-sa-daigdig-sumirit-na-sa-116m/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sapul-ng-covid-19-sa-daigdig-sumirit-na-sa-116m)