Pumalo na sa 121,032,282 ang bilang ng mga tao sa buong mundo na nagpositibo sa coronavirus disease 2019.

Batay pa sa COVID-19 dashboard ng Center for Systems Science and Engineering (CSSE) sa Johns Hopkins University (JHU), Huwebes, nangunguna sa listahan ang Amerika na may 29,602,809 kaso.

Samantala, 2,676,274 na ang namatay habang 68,675,881 na ang gumaling sa daigdig mula sa nasabing sakit.

Nanguguna pa rin ang USA sa COVID-19 death toll sa 537,945 deaths, habang ang India naman ang top 1 sa virus recoveries sa 29,602,809.

192 mga bansa o mga rehiyon na sa mundo ang kinakalaban ang pandemyang coronavirus, saad pa ng JHU-CSSE.

The post Sapul ng COVID-19 worldwide 121M na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sapul-ng-covid-19-worldwide-121m-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sapul-ng-covid-19-worldwide-121m-na)