Sumirit na sa 119,585,141 ang kabuuang bilang ng indibidwal na nagpositibo sa COVID-19 sa buong mundo.

Kasabay nito, umakyat din ang bilang ng mga nakarekober sa 96,236,707.

Umakyat naman ang death toll rate sa buong mundo sa 2,650,539.

Batay sa datos ng worldmetersinfo, 20,697,895 katao na ang kasalukuyang nagpapagaling mula sa COVID-19 kung saan 20,608,451 (99.6%) ang nasa mild condition at 89,444 (0.4%) naman ang nasa kritikal na kondisyon.

The post Sapul ng Covid sa daigdig sumipa na sa 119M first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sapul-ng-covid-sa-daigdig-sumipa-na-sa-119m/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sapul-ng-covid-sa-daigdig-sumipa-na-sa-119m)