Nilarawan ni Davao City Mayor Sara Duterte ang 1Sambayan, isang pro-democracy coalition na pinangungunahan ng kritiko ng kanyang tatay, bilang “authoritarian.”

Ang koalisyon, na binuo ni retiradong Supreme Court Justice Antonio Carpio, ay tiyak nang hindi patatakbuhin sa kanilang slate si Mayor Sara dahil sa pagiging anak ni Pangulong Rodrigo Duterte, na anila’y tagapagtaguyod ng authoritarianism.

“We are a coalition of democratic forces. We reject those who are identified with authoritarianism,” sambit pa ni Carpio sa paglulunsad sa 1Sambayan kahapon. “We reject those who are responsible for extrajudicial killings or who abet EJK and we reject those who violate human rights.”

Punto naman ng alkalde, “othering” ang ginagawa ng koalisyon at hindi pakikipagkaisa sa mga tumututol sa kanila.

“They claim to be a coalition of democratic forces but they reject so many who do not agree with them. They sound authoritarian to me,” ani Mayor Duterte sa isang pahayag, Marso 18.

“Kung gusto nila maging successful, dapat ang panawagan nila ay magkaisa. What this country needs is unity, not messages with the word ‘reject’.”

“‘Othering’ is the word that comes to mind when they speak,” dagdag niya.

The post Sara: 1Sambayan tunog diktador first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sara-1sambayan-tunog-diktador/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sara-1sambayan-tunog-diktador)