Pansamantalang isinara ang dalawang pasilidad sa gusali ng Senado matapos magtapositibo sa coronavirus disease ang tatlong empleyado ng in-house caterer kamakailan.

Dahil dito, sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na mas paiigitingin pa ang health protocol at paiikliin din ang oras para sa plenary session.

“We will remain in semi lockdown. Will most probably end sessions by 6pm. Health protocols will be stricter,” pahayag ni Sotto sa kanyang mensahe sa mga reporter.

“We cannot not continue work because we have two weeks before the break and there are many bills from the [House of Representatives] that we need to act on,” dagdag pa nito.

Pero kahit naka-semi lockdown, sinabi ni Sotto na pupunta pa rin siya sa plenaryo para mag-preside ng sesyon.

“Of course nandun ako. Sessions are now official if there is no senator in the Senate physically present,” sabi ng lider ng Senado.

Sa ipinadalang advisory noong Linggo, inabisuhan ni Senate Secretary Myra Villarica ang opisyal at kawani ng Senado na inirekomenda ng Medical and Dental Bureau (MDB) na pansamantalang isra ang executive lounge at canteen effective simula Lunes, Marso 15 para bigyang daan ang disinfection at sanitation ng naturang mga lugar.

“It has been reported that three employees of the in-house caterer tested positive for COVID-19 after undergoing RT-PCR swab tests last Friday,” sabi sa advisory.

Magpapatuloy ang normal ng operasyon ng executive lounge at canteen sa Marso 20.

“Everyone is reminded to observe all health protocols to ensure safety and protection in and outside one’s workplace,” ayon a sa advisory.

Pinayuhan ang mga kawani ng Senado na magdala ng kanilang sariling oagkain at inumin.

The post Senado naka-semi-lockdown, oras ng sesyon binago first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/senado-naka-semi-lockdown-oras-ng-sesyon-binago/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=senado-naka-semi-lockdown-oras-ng-sesyon-binago)