Nakasailalim pa rin sa lockdown ang lahat ng tanggapan sa Senado hanggang sa susunod na linggo, maliban sa session hall kung saan magkakaroon ng maikling sesyon para maipasa ang ilang franchise bill.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, kokonti lang papahayagan sa plenaryo ngayong araw na ito, Miyerkoles.

“’Till next week [lockdown], then we will assess. Very few in plenary only. All offices are locked down,” sabi ni Sotto sa kanyang pinadalang mensahe sa mga reporter.

Iniligay ang buong Senado sa “complete lockdown noong Martes matapos magpositibo sa COVID-19 ang isang empleyado na nakagtalaga sa tanggapaon ng Bill and Index Section.

Sabi ni Sotto, silang lang ni Majority Leader Juan Migueezl Zubiri ang maaring present sa sesyon.

“Just me and Migs and two from Secretariat plus Sergeant-at-Arms for around 30 mins just to pass a few franchise bills that we promised the congressmen to pass on 2nd reading,” sabi ni Sotto.

Kinumpirma naman ito Zubiri. “Yes papasok kami ni SP at baka kaming dalawa lang. (We) will take up local bills and franchise bills lang,” ani Zubiri.

The post Senate lockdown in-extend first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/senate-lockdown-in-extend/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=senate-lockdown-in-extend)