Nanawagan si Senadora Risa Hontiveros sa mga pangunahing social media giant na Facebook at Twitter na buwagin ang ilang gawing kriminal sa kanilang platform, lalo na ang online sexual exploitation sa mga kababaihan at mga bata.

“Hindi lang fake news ang madaling kumakalat sa social media, pati mga pang-aabuso din sa ating kabataan at kababaihan. Social media platforms that still are not able to address this growing problem should be made accountable,” pahayag ni Hontiveros.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality, sinabi ni Atty. Lawrence Aritao ng International Justice Mission na nitong 2020, nakatanggap sila ng 1.2 milyon ulat ng online sexual exploitation sa bansa.

Tatlong beses itong mas mataas kumpara noong 2019 kung nakagpatala na 400,000 ulat.

“This is a dramatic rise in a span of only a year. Mas pinalala talaga ito ng pandemya, lalo na at marami ang nakababad sa social media. Social networks should prioritize ending the proliferation of these crimes before even thinking of expanding their products,” sabi ni Hontiveros.

“I hope that social media companies, especially Facebook, can attend our next hearing. Filipinos use Facebook the most among other platforms, so their insights will be very crucial in finally ending exploitative activities under their roof,” dagdag pa nito.

Noong nagdaang taon, nanawagan ang senador sa National Bureau of Investigation na tanggalin ang mga pahina na mga inaabusong mga kabataan.

Nauna nang naghain si Hontiveros ng Senate Bill 2068 o Anti-Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) Law na naglalagay ng tungkulin para sa mga social media platform.

Nakasaad din sa panukala na sinumang social media network na guilty sa pagbigong sumunod sa mga requirement ng panukala ay pagmumultahin ng 10,000,000.

“Social networks should start taking this issue seriously. Ang buhay at hinaharap ng ating kababaihan at kabataan ang nakasalalay dito. We always welcome innovation, but not if it comes at the expense of the Filipino people,” sabi pa ni Hontiveros.

The post Sexual abuse pinalala ng Covid – Hontiveros first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sexual-abuse-pinalala-ng-covid-hontiveros/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sexual-abuse-pinalala-ng-covid-hontiveros)