Pinuri ni Philippine National Police (PNP) chief Debold Sinas ang application na nilatag ng Department of Science and Technology para mapadali ang biyahe sa panahon ng pandemya.

Sa pamamagitan ng S-PaSS (Safe, Swift and Smart Passage), maaring kumuha ang mga biyahero na magtutungo sa mga lugar na may travel restriction ng Travel Coordination Permit (TCP).

Hindi na kakailanganin magtungo sa mga government office dahil makukuha na ang TCP via online.

Saad ni Sinas, ang S-PaSS ay malaking tulong sa kapulisan sa muling pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus area.

“It will continue to help and benefit LGUs in recording and monitoring in real time, traveler’s information, such as those who are going in and out of their respective localities,” ayon sa PNP chief.

“The PNP welcomes the development of this local mobility feature as a tool which integrates the processing system for the issuance of Travel Pass-Through Permit or TPP and Travel Coordination Permit or PCP, Travel Authorities and QR codes which quickly generates real-time reports needed,” aniya pa.

Ngunit kahit nandyan na ang tulong ng teknolohiya ay nangako si Sinas na ipapatupad pa rin ng mga pulis ang mahigpit na health protocol sa publiko.

The post Sinas: S-PaSS malaking tulong sa mga biyahero first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sinas-s-pass-malaking-tulong-sa-mga-biyahero/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sinas-s-pass-malaking-tulong-sa-mga-biyahero)