Dumating na sa MetroPac Movers Inc. facility sa Barangay Concepcion Uno, Marikina City ang 600,000 doses COVID-19 vaccine ng Sinovac bago ito ipamigay sa mga ospital sa Metro Manila.

Nito lamang Linggo, pasado alas-4 ng hapon nang dumating na sa bansa ang unang bakuna kontra COVID-19 na sinalubong ng ilang opisyal tulad nina presidential spokesperson Harry Roque, vaccine czar Carlito Galvez Jr., Secretary of Foreign Affairs Teddy Locsin at Pangulong Rodrigo Durterte.

Kasabay nito, inanunsyo ni Health Secretary Duque III na maaantala ng isang linggo ang dapat sanang pagdating ngayon ng 525,600 AstraZeneca COVID-19 vaccine.

BASAHIN: https://tnt.abante.com.ph/sinovac-covid-19-vaccine-dumating-na-sa-bansa1/

Duterte: Sa ‘Pinas lang naghatid ng bakuna China!

The post Sinovac COVID-19 vaccine nasa storage facility na sa Marikina first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sinovac-covid-19-vaccine-nasa-storage-facility-na-sa-marikina/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sinovac-covid-19-vaccine-nasa-storage-facility-na-sa-marikina)