Dumating na sa ilang ospital sa Metro Manila ang Sinovac vaccine na siyang unang bakuna kontra COVID-19 ng bansa.

Ayon sa ulat ng GMA News, nakatanggap na ng suplay ng naturang vaccine ang Victoriano Luna General Hospital na siyang tinuguriang AFP Medical Center.

Babakunahan naman ang 30 empleyado rito ng Sinovac vaccine.

“Those personnel who (will) get the vaccine are military doctors, military nurses and even civilian nurses. They are the one kasi na represented to be involved sa mga COVID areas or quarantine facility dito sa V. Luna Medical Center,” wika ni AFP Health Service Command assistant chief of the Public Information Office Captain Rhey Mallorca.

Bukod dito, nakarating na rin sa Veterans Memorial Medical Center ang naturang bakuna kung saan 29 healthcare worker dito ang babakunahan.

Nakatanggap na rin ng 1,200 suplay ng bakuna ang Philippine General Hospital pasado alas-2 ng umaga gayundin ang Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium sa Caloocan City kung saan 600 dose ng bakuna ang ibinigay sa kanila.

Pasado alas-3 naman ng umaga nang dumating sa Lung Center of the Philippines ang Sinovac COVID-19 vaccine kung saan magpapaturok ng bakuna sina Health Secretary Francisco Duque III, MMDA General Manager Jojo Garcia, Quezon City Mayor Joy Belmonte at Department of Health Regional Director Corazon Flores.

BASAHIN: https://tnt.abante.com.ph/sinovac-covid-19-vaccine-dumating-na-sa-bansa1/

Duterte: Sa ‘Pinas lang naghatid ng bakuna China!

The post Sinovac vaccine ipinamigay na sa ilang ospital sa Metro Manila first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sinovac-vaccine-ipinamigay-na-sa-ilang-ospital-sa-metro-manila/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sinovac-vaccine-ipinamigay-na-sa-ilang-ospital-sa-metro-manila)