Ayon kay San Miguel president Ramon Ang, mananatiling bukas ang Skyway Stage 3 pagkatapos ng Marso 16.

Ang San Miguel Corp. ang concession holder ng Metro Manila Skyway.

“Yes, I have just talk[ed] to [Transportation] Sec. [Arthur] Tugade. He will take care of TRB,” ani Ang sa GMA, Martes.

Magugunitang inanunsiyo dati ng pamunuan na magiging “closed indefinitely” ang naturang daanan simula alas-5 ng hapon sa Marso 16.

Una nang binanggit ng Toll Regulatory Board na hindi sila nag-issue ng desisyon o direktiba na nag-uutos ng pagsasara ng Skyway 3.

The post Skyway 3 ‘di isasara first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/skyway-3-di-isasara/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=skyway-3-di-isasara)