Iniimbestigahan na ng mga awtoridad sa South Korea ang pagpanaw ng dalawa katao ilang araw matapos diumanong maturukan ng COVID-19 vaccine ng AstraZeneca.

Ayon sa CGTN report nitong Miyerkoles, kapwa may dati nang mga kondisyon sa kalusugan ang mga pasyente.

Ang isang 63-anyos na pasyente ay may mga cerebrovascular disease developed symptom, kabilang ang mataas na lagnat, nang tumanggap ng bakuna.

Namatay siya noong Martes matapos magpakita ng mga sintomas ng blood poisoning at pneumonia.

Nasa edad na 50s naman ang isa pang pasyenteng may cardiac disorder at diabetes.

Pumanaw siya nitong Miyerkoles matapos makaranas ng maraming beses na atake sa puso.

Sinabi ng mga health official na hindi pa nila natutukoy kung ang mga pasyente ay dumanas ng mga side effect na maaaring humantong sa kamatayan.

The post SoKor iniimbestigahan pagkamatay ng 2 pasyente matapos turukan ng AstraZeneca vaccine first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sokor-iniimbestigahan-pagkamatay-ng-2-pasyente-matapos-turukan-ng-astrazeneca-vaccine/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sokor-iniimbestigahan-pagkamatay-ng-2-pasyente-matapos-turukan-ng-astrazeneca-vaccine)