Dapat umanong ilabas ang ebidensya kung talagang nagkakaroon ng hawaan ng COVID-19 sa mga gym, spa at barber shop kaya pinanatili ang pagsasara nito sa mga lugar sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) bubble.

Ayon kay Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin Jr., dapat ay ilabas ang ebidensya at datos kung ilan na ang nahawa dahil nag-operate ang wellness center.

“I object to and reject the harsh measures against the wellness business establishments on the ground that the authorities have no factual basis to prove that the wellness spas, gyms, barber shops, and beauty parlors have had positive COVID cases since last January that contributed to the second surge,” ani Garbin.

Para kay Garbin malaki ang naitutulong ng mga wellness center sa mental health at kalusugan ng mga parokyano nito.

“Arbitrary decisions based on conjecture and mere suspicion against the wellness business are injustice to the workers, the entrepreneurs, and their clientele,” dagdag pa ng solon.

Dapat din umanong tiyakin ng mga lokal na pamahalaan na nagsara ng mga wellness center na matutulungan ang mga apektadong empleyado gaya ng manikurista, parlorista, masahista, therapist, fitness coach, janitor sa gym, kahera sa parlor, at barbero.

Sa mga lugar naman na papayagang mag-operate ang mga ito ay maaaring magbigay ang gobyerno ng libreng saliva test sa mga empleyado at parokyano.

The post Solon sumaklolo sa mga spa, gym na pinanatiling sarado first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/solon-sumaklolo-sa-mga-spa-gym-na-pinanatiling-sarado/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=solon-sumaklolo-sa-mga-spa-gym-na-pinanatiling-sarado)