Humihingi ng 5,000 doses ng bakuna ang pinunk ng St. Luke’s Medical Center para magamit sa kanilang medical health workers sa Quezon City at Bonifacio Global City.

Ito ang inulat ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang regular na mensahe sa bayan.

Sinabi ni Galvez na nagtext sa kanya si SLMC President and Chief Executive Officer Dr. Arturo dela Peña at ipinahayag ang interes na mabigyan din ng Sinovac vaccine ang limang libng healthcare workers ng dalawang hospital.

“Nabigla po kami. ng St. Luke’s humihingi po ng 5,000 doses para sa kanilang limang libong tao . Nagtext po sa akin si Dr. Dela Peña,” ani Galvez.

Batid ng vaccine czar na Pfizer ang gusto ng St.Lukes pero dahil mayroong request ay magkakaroon aniya ng mini-rollout sa dalawang nabanggit na hospital dahil makakatulong ito para maiangat ang antas ng tiwala ng publiko sa mga bakuna.

Nagpasalamat naman si Pangulong Duterte sa St. Luke’s dahil makakatulong ito para mai-promote ang vaccination program ng gobyerno.

“We appreciate any and every cooperation offered to us at this time. Kung sasali yang St.Luke’s then pasalamat tayo. They can also help spread really the vaccine as fast as it can be accomodated by the time and motion of a human being,” anang Pangulo.

The post St. Luke’s Medical Center humirit ng Sinovac vaccine sa gobyerno first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/st-lukes-medical-center-humirit-ng-sinovac-vaccine-sa-gobyerno/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=st-lukes-medical-center-humirit-ng-sinovac-vaccine-sa-gobyerno)