Dapat umanong imbestigahan si Philippine National Police chief General Debold Sinas sa paglusot sa COVID-19 health protocol nang bumisita ito sa Oriental Mindoro nitong nagdaang linggo, ayon kay Senador Panfilo Lacson.

Sabi ni Lacson, nararapat lang na imbestigahan si Sinas dahil ito na ang pangalawang beses na lumabag siya sa health protocol matapos ang kontrobersiyal na “mañanita” sa kanyang kaarawan noong Mayo ng nagdaang taon.

Inhalimbawa pa ni Lacson sa Sinas sa larong baseball kung saan naka-strike two na ang PNP sa paglabag sa health protocol.

“Tama yun, I agree. Kasi sa baseball strike na two na siya, wala pa siyang ball. Di ba hangang ball 4 ano ka na walk ka na. Pag strike 3 out ka na eh,” pahayag ni Sinas sa panayam sa DZBB.

“Yung kay Gen. Sinas, dalawang strike na siya, wala pa siyang ball. So agrabyadong-agrabyado na siya. Mas malamanang ma-strike na siya. At least sa mata ng publiko,” dagdag pa nito.

Nauna nang inihayag ni provincial government ng Oriental Mindoro na hindi dumaan sa health protocol ang PNP nang bumisita siya sa lalawigan noong Huwebes,.

Noong araw ding iyon, nakumpirmang nagpositibo sa COVID-19 si Sinas.

Subalit nanindigan si PNP spokesperson Police Brigadier General Ildebrandi Usana, na sumailalim sa swab test si Sinas at sinunod naman ang health protocol nang magtungo ito sa Oriental Mindoro.

Gayunpaman, umaasa si Lacson na agad na makakarekober si Sinas sa lalong madaling panahon.

The post Strike two na!Sinas imbestigahan sa paglusot sa Covid protocols sa Mindoro – Lacson first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/strike-two-nasinas-imbestigahan-sa-paglusot-sa-covid-protocols-sa-mindoro-lacson/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=strike-two-nasinas-imbestigahan-sa-paglusot-sa-covid-protocols-sa-mindoro-lacson)