Umakyat sa ikalawang alarma ang sunog na sumiklab sa isang commercial area sa Barangay North Fairview, Quezon City, Linggo ng umaga.

Napaulat na nagsimula ang apoy sa ikalawang palapag ng isang beerhouse sa kanto ng Commonwealth Avenue at Regalado Avenue, Marso 21 ng umaga.

Sabi ng mga residente ng barangay, isang taon nang tigil-operasyon ang beerhouse dahil sa lockdown.

Pero kaninang umaga ay nakarinig anila sila ng dalawang pagsabog at nakita nilang nagliliyab na ang aircon sa second floor.

Nakontrol ng BFP ang apoy bago mag-9:30 ng umaga.

Wala namang naiulat na namatay o nasugatan sa insidente.

The post Sunog sa QC nagmula sa beerhouse, umabot sa ika-2 alarma first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sunog-sa-qc-nagmula-sa-beerhouse-umabot-sa-ika-2-alarma/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sunog-sa-qc-nagmula-sa-beerhouse-umabot-sa-ika-2-alarma)