Hindi kakapusin ang Metro Manila sa suplay ng tubig ngayong panahon ng tag-init.

Ito ang tiniyak ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) kay Pangulong Rodrigo Duterte sa full Cabinet meeting sa Malacañang nitong Miyerkules.

Sinabi ni Secretary to the Cabinet Karlo Nograles na iniulat ni MWSS Chairman and OIC Administrator Reynaldo Velsasco kay Pangulong Rodrigo Duterte na mayroong sapat na supply ng tubig ngayong taon sa National Capital Region (NCR).

Aasahan aniyang hindi makakaranas ng water shortage ang mga taga-Metro Manila lalo na ngayong summer.

“According to MWSS Chairman Reynaldo Velasco, we expect to have sufficient supply of water this year in Metro Manila; wala ho tayong water shortage dito sa Metro Manila,” ani Nograles.

Pero kahit aniya mayroong sapat na suply ng tubig ngayong tag-araw, sinabi ni Nograles na pinabibilis ng ahensiya ang mga protektong magpapaganda sa supply ng tubig sa kalakhang Maynila.

Kabilang dito ang Kaliwa Dam Project; Upper Kaliwa and Kanan River; East Bay Water Supply project phase 1 ;East Bay Water Supply Project phase 2; at Wawa-Calawis Water Supply project phase 1 and 2.

Lahat aniya ng nabanggit na mga proyekto at kayang mag-deliver ng 1.368 million liters per day.

The post Suplay ng tubig sa summer sapat – MWSS first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/suplay-ng-tubig-sa-summer-sapat-mwss/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=suplay-ng-tubig-sa-summer-sapat-mwss)