Tinamaan ng magnitude 4.2 na lindol ang Surigao Del Sur ngayong Miyerkoles ng hapon.
Sabi ng Phivolcs, ang lindol ay naitala alas-2:16 ng hapon, Marso 17, sa 20 kilometro timog-silangan ng bayan ng Marihatag.
May 12 kilometrong lalim ang tectonic earthquake na ito.
Samantala, hindi inaasahan ng Phivolcs na magdudulot ng pinsala at mga aftershock ang naitalang pagyanig.
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/surigao-sur-niyanig-ng-magnitude-4-2/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=surigao-sur-niyanig-ng-magnitude-4-2)
0 Mga Komento