Walang nabago sa mga requirement para makapasok sa Boracay Island kahit pa inaprubahan na ang unified travel protocols sa mga tourist spot sa bansa.

Saad ni Malay, Aklan Mayor Frolibar Bautista sa isang panayam, Biyernes, ang mga turista ay dapat pa ring magpresenta ng negatibong resulta ng COVID-19 RT-PCR test na inisyu sa loob ng 72 oras.

Kailangan ding may kumpirmadong booking ang mga biyahero sa alinmang hotel na accredited ng Department of Tourism.

Magugunitang sa unified travel protocol na inapruba ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases, hindi na required ang coronavirus testing sa mga turista maliban na lang kung ipilit ito ng kaukulang lokal na gobyerno.

Hindi na rin kailangang sumailalim sa facility quarantine ang biyahero puwera na lang kung magpapakita siya ng sintomas ng virus sa pagdating sa destinasyon.

The post Swab test required pa rin sa Boracay first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/swab-test-required-pa-rin-sa-boracay/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=swab-test-required-pa-rin-sa-boracay)