Pasok na sa ikalawang dose ng bakuna ang mga indibiduwal na inunahan ang mga health frontliner na magpaturok ng Sinovac o AstraZeneca vaccine.

Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing, “Opo, ibibigay pa rin naman ang second dose so swerte naman nila,”

Ngunit paliwanag nito, hindi pa rin makatatakas ang mga government official na unang nagpabakuna dahil tinitingnan pa ang mga kasong puwedeng maisampa sa kanila.

“Hindi sila makakawala sa potential na administrative case if ever hindi justified ‘yung kanilang pagbabakuna ahead of others,” aniya pa.

Bukod sa ilang mayor at opisyal, nakasingit din sa bakuna ang aktor na si Mark Anthony Fernandez nang magpaturok ito sa ParaƱaque.

Depensa naman ni Mayor Edwin Olivarez, substitute lamang ang aktor, at pasok din aniya ito sa priority list dahil may hypertension at depression umano ang aktor, na maituturing na co-morbidity.

The post Swerte! Mga sumingit sa bakuna tuturukan ng 2nd dose first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/swerte-mga-sumingit-sa-bakuna-tuturukan-ng-2nd-dose/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=swerte-mga-sumingit-sa-bakuna-tuturukan-ng-2nd-dose)