Habang walang suot na face mask, tinurukan si Tacloban City Mayor Alfred Romualdez ng Sinovac COVID-19 vaccine kahit pa hindi siya kabilang sa prayoridad na mabakunahan sa ngayon dahil hindi siya healthcare worker.

Sabi ng alkalde, binakunahan siya ng isang nars ng Department of Health na naka-deploy sa City Health Office.

Ayon sa staff ni Romualdez ay tinurukan siya sa kanyang bahay, pero giniit ng City Public Information Office na nangyari ang pagbabakuna sa Tacloban City Astrodome.

Samantala, dinepensahan ng alkalde ang pagpapauna niya sa bakuna at sinabing ginawa niya ito para mahikayat ang madla na magpabakuna rin.

“Never say that I did it to save myself before others. I did it to make the people see that it was okay to get the vaccine. I wanted our people to take it for protection, and so that the efforts of the national government will not be in vain,” banggit niya.

Sa ngayon, hindi pa natatapos ng gobyernong Duterte ang pagtuturok sa 1.7 milyong healthcare workers sa bansa gamit ang Sinovac at AstraZeneca vaccines.

The post Tacloban mayor, na hindi health worker, binakunahan na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tacloban-mayor-na-hindi-health-worker-binakunahan-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=tacloban-mayor-na-hindi-health-worker-binakunahan-na)