Kinontra ng Tagaytay local government unit (LGU) na sinailalim sa lockdown ang kanilang lungsod.

Sa Facebook post ng City Government of Tagaytay, pinaliwanag na ang kumakalat na pagpapatupad ng lockdown sa kanilang lugar ay noong 2020 pa.

“Ang lockdown po ay ipinatupad noong nakaraang taon pa. Maging mapanuri sa pagsheshare ng mga balita” ayon sa FB post.

❗❗❗ FAKE NEWS❗❗❗

Ang lockdown po ay ipinatupad noong nakaraang taon pa.

Maging mapanuri sa pagsheshare ng mga balita.

Manatiling ligtas at sundin ang minimun health standards.

Maraming salamat po.

Posted by City Government of Tagaytay on Thursday, March 18, 2021

Sa Tagaytay City, aabot sa 36 ang aktibong kaso ng COVID-19, at kasalukuyang nasa ilalim ng modified general community quarantine.

The post Tagaytay lockdown fake news first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tagaytay-lockdown-fake-news/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=tagaytay-lockdown-fake-news)