Maghihigpit si Manila Mayor Isko Moreno sa mga manininda sa mga palengke sa lungsod na tumatanggi pa ring sumailalim sa libreng COVID-19 testing.

Sa ulat ng chief of staff ng alkalde na si Cesar Chavez, inutusan ni Moreno ang market administrator na si Zenaida Mapoy na huwag nang pagtindahin ang mga magmamatigas na stall vendor.

“Iyong mga (stall) vendors sa 17 public markets na ayaw magpa-swab hanggang ngayon, huwag na pagtindahin,” sey ng mayor.

“Libre na nga ang (Covid) test, ayaw pa,” dagdag niya.

The post Tinderong ayaw sa libreng swab test, ‘wag pagtindahin – Isko first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tinderong-ayaw-sa-libreng-swab-test-wag-pagtindahin-isko/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=tinderong-ayaw-sa-libreng-swab-test-wag-pagtindahin-isko)