Bumaliktad ang isang koste ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Llorente, Eastern Samar nitong Huwebes.

Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, pagmamay-ari ng isang district engineering office ng DPWH ang sasakyang bumaliktad.

Anila, nawalan ng kontrol sa tsikot ang drayber ng sasakyan nang dumating ito sa pakurbadang bahagi ng kalsada sa naturang bayan dahilan para bumaliktad ito.

Ligtas naman ang apat na sakay nito.

The post Tsikot ng DPWH bumalentong sa Eastern Samar first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tsikot-ng-dpwh-bumalentong-sa-eastern-samar/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=tsikot-ng-dpwh-bumalentong-sa-eastern-samar)