Pumanaw na ang madre na siyang utak sa likod ng tanyag na ube jam ng Religious of the Good Shepherd (RGS) Community, si Sr. Fidelis Atienza.

Sa ulat pa ng CBCP News, Marso 20, sinabing yumao ang madre sa Quezon City sa edad na 102, at matapos maging taong simbahan nang 66 taon.

Hindi tinukoy ang sanhi ng pagpanaw.

“She was the original mastermind behind the ube jam, enabling the congregation to send thousands of youths to school,” banggit ng RGS, sa ulat.

Nilabas ni Atienza ang jam noong 1976, pero bago pa iyon ay sinimulan niya ang Marian Bakery noong 1960s.

Nanirahan ang madre sa Maryridge na isang retreat house sa Tagaytay, at noong 2020, matapos niyang magdiwang ng ika-100 kaarawan ay nilipat siya sa Good Shepherd Community sa QC.

Isasagawa nang pribado ang lamay at iba pang serbisyo kay Atienza.

The post Ube jam mastermind ng Good Shepherd tigok na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ube-jam-mastermind-ng-good-shepherd-tigok-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ube-jam-mastermind-ng-good-shepherd-tigok-na)