Tinanggal ng Philippine National Police (PNP) sa puwesto ang hepe ng Calbayog City police dahil sa dalawang insidente na sangkot ang kanyang mga tauhan.

Sa isang pahayag, sinabi ni PNP officer-in-charge LtGen. Guillermo Eleazar, Linggo, na sinibak na si LtCol. Neil Montaño sa posisyon nito.

Ito ay kaugnay ng pamamaril at pagkamatay ni Calbayog City mayor Ronaldo Aquino, maging sa “irresponsible” conduct ng pinuno ng kanyang intelligence unit chief na nauna nang inalis sa posisyon.

Si PLt. Fernando Calabria, Jr. ay sinipa matapos nitong humiling sa korte ng listahan ng mga abogado na kumakatawan sa mga makakaliwa.

Sinabi rin ni Eleazar na tinanggal din sa posisyon ang siyam na non-commissioned officers ng city police station at ni-reassign sa Samar Provincial Police Office upang sumailalim sa refresher seminar.

Iniimbestigahan na ang dalawang insidente, aniya pa.

Samantala, si Montaño ay papalitan ni Lt.Col. Rodolfo Albotra.

The post Ulo ng pulis Calbayog, 9 pa sibak din first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ulo-ng-pulis-calbayog-9-pa-sibak-din/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ulo-ng-pulis-calbayog-9-pa-sibak-din)