Kinontra ng UNICEF ang nilatag na ban sa paglabas ng mga edad 17 pababa sa Metro Manila dahil sa patuloy na pagdami ng COVID-19 case sa bansa.

Ayon sa UNICEF, labag sa human rights ang dalawang linggo pagpigil sa kabataan na makalabas sa kanilang mga bahay.

Ayon sa organisasyon, kanilang kinikilala ang mga ginagawa ng gobyerno para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19, ngunit hindi umano dapat maapektuhan ang dignidad at well-being ng mga musmos.

Lahad pa ng ahensya, kailangang maransan ng kabataan ang paglalaro ng sports at mag-ehersisyo sa labas ng bahay basta’t sumusunod ang mga ito sa minimum health standard,

Giniit din ng UNICEF na naaapektuhan ang mental health ng kabataan dahil sa lockdown na tumagal na ng isang taon.

“Due to the restrictive containment measures adopted since the onset of the pandemic, children have lived away from members of their extended families, teachers, and friends,” ayon sa UNICEF.

“They have been learning from home, often confronting incredibly challenging circumstances. For those experiencing violence, neglect, or abuse at home, lockdowns left them stranded with abusers and without the required support,”

The post UNICEF: Mga bata palabasin sa bahay first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/unicef-mga-bata-palabasin-sa-bahay/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=unicef-mga-bata-palabasin-sa-bahay)