May agam-agam ang grupo ng Filipino Nurses United (FNU) sa CoronaVac ng Sinovac, ang unang bakuna na dumating sa Pilipinas.

Lahad ni FNU Vice President Eleanor Nolasco sa panayam ng ‘Balitaan at Kumustahan’ ng Politiko Live, kung puwedeng makapamili ang hanay ng mga nurse ay Pfizer o AstraZeneca ang nais nilang mabakuna sa mga healthcare frontliner.

“Kung may choice, mas gugustuhin namin ‘yung Pfizer or AstraZeneca kasi mas maraming scientific data that have been made available for field review,” aniya pa.

“Ang pinupunto po namin, dapat transparent din sa mga datos ng vaccine na io-offer.”

Sa mga isinagawang clinical trial ng Sinovac sa iba’t ibang bansa, kapansin-pansin ang pagkakaiba sa efficacy rate ng kanilang bakuna.

Sa Turkey, sinabi na 91.25 percent na epektibo ang bakuna, habang sa Brazin naman ay bumaba ito sa
50.4 efficacy rate.

Isa pa sa nagpadagdag ng pangamba ng FNU ay ang unang pahayag ng Food and Drug Administration na hindi nirerekumenda ang CoronaVac para sa mga health worker.

“Una sinabi nila na hindi ganoon ka-effective ang Sinovac among healthcare workers. Tapos biglang sinabi nila na ibibigay na muna ito sa fourth priority, sa mga economic workers at men in uniform.” ayon kay Nolasco.

“Tapos nung ‘yun na lang pala ang available, nag-retract sila.”

The post Urong sulong ng FDA sa Sinovac, nagbigay pangamba sa mga health frontliner first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/urong-sulong-ng-fda-sa-sinovac-nagbigay-pangamba-sa-mga-health-frontliner/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=urong-sulong-ng-fda-sa-sinovac-nagbigay-pangamba-sa-mga-health-frontliner)