Kinumpirma ni Senador Christopher “Bong” Go ang pag-aruba ng World Bank sa $500-million (P24.2-billion) loan para suportahan ang gobyerno sa pagbili ng COVID-19 vaccines.

Ayon kay Go, tinitiyak ng gobyerno na ggamitin sa wasto ang pera inutang sa World Bank para matiyak na sapat ang bakuna at para makabalik sa normal ang pamumuhay ng mga Pilipino.

“Alam niyo, very strict po ang ating gobyerno sa mga sinusunod na guidelines bago po magkaroon ng pagbabayad sa ibang bansa, dapat siguraduhin po ng ating gobyerno na magamit po ang pera sa tama at sa wasto,” sabi ni Go.

“Ang importante dito ay mabigyan tayo ng prayoridad sa bakuna dahil alam naman po natin na tanging bakuna lang po ang solusyon, tanging bakuna lang po ang susi para unti-unti tayong makabalik sa normal natin na pamumuhay,” dagdag nito.

Binigyang diin ng senador na krusyal na papel ng bakuna para mapigilan ang pagkalat pa ng virus.

“Mas mapapadali na ngayon ang pagsugpo natin sa COVID-19 dahil nakapagsimula na tayo magbakuna at unti-unti na natin nabibigyan ng proteksyon ang ating mga health care workers at iba pang frontliners,” paliwanag nito.

The post Utang na P24.2B gagamitin sa tama – Go first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/utang-na-p24-2b-gagamitin-sa-tama-go/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=utang-na-p24-2b-gagamitin-sa-tama-go)