Patayin agad ang mga kalabang may hawak na baril kapag may engkuwentro.

Ito ang mahigpit na bilin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pulisya at militar sa kanyang talumpati sa joint meeting ng National Task Force-Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict in Northern Mindanao na ginanap sa Cagayan de Oro City.

Sinabi ng Pangulo na 53 taon ng nakikipaglaban at naghahasik ng karahasan ang mga rebeldeng komunista subalit hanggang ngayon ay hindi naman nananalo sa kanilang layunin na ibagsak ang gobyerno.

Puro aniya pangingikil ang ginagawa ng Kilusang komunista at ang mga maliliit at mahihirap na tao ang pineperwisyo ng mga ito.

Dahil dito, sinabi ng Pangulo na kapag may engkuwentro at nakitang may baril ang mga ito ay patayin lahat ang mga ito.

Wala aniyang magiging problema kung makulong man ito .

“I told the military and police that during encounters, if the enemy is holding a gun, kill them. Kill them right away. Tell the human rights that’s my order. I’ll be the one to go to jail, no problem,” anang Pangulo.

Inalok naman ng bahay at trababo ni Pangulong Duterte ang mga rebelde na nais magbalik-loob sa gobyerno, at tuturuan ang mga asawa na makapaghanapbuhay sa pamamagitan ng TESDA.

Binigyang-diin ng Presidente na walang katuturan ang ipinaglalaban ng mga komunista dahil kahit isang barangay ay hindi nila makontrol, kaya mas lalong hindi nila maibagsak ang gobyerno.

The post Utos ni Duterte sa pulisya, militar: Patayin lahat ng mga komunista! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/utos-ni-duterte-sa-pulisya-militar-patayin-lahat-ng-mga-komunista/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=utos-ni-duterte-sa-pulisya-militar-patayin-lahat-ng-mga-komunista)