Inilarga na ng gobyerno ang vaccination program laban sa COVID-19 sa Philippine General Hospital (PGH).

Unang nakatanggap ng Sinovac vaccine sa bansa ang PGH Director na si Dr. Gerardo Legaspi, habang ang vaccinator ay si Nurse Sherlock Santos.

Sumunod na binakunahan ay si Dr. Edsel Salvaña, sinundan ni Food and Drugs Administration (FDA) Dr. Eric Domingo, Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos at vaccine czar Secretary Carlito Galvez.

Kasama ring binakunahan ang ilang administration staff at janitorial staff ng PGH.

Nagpabakuna rin si Secretary Vince Dizon sa Tala Hospital sa Caloocan City.

Sinaksihan ng buong PGH community ang pagpapabakuna ng mga pangunahing doktor ng hospital,kasama na sina Manila Mayor Isko Moreno, Vice-Mayor Honey Lacuña at ilan pang mga opisyal.

The post Vaccination roll-out inilarga na sa PGH, director Legazpi unang nabakunahan sa bansa first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/vaccination-roll-out-inilarga-na-sa-pgh-director-legazpi-unang-nabakunahan-sa-bansa-2/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=vaccination-roll-out-inilarga-na-sa-pgh-director-legazpi-unang-nabakunahan-sa-bansa-2)