Nakasailalim ngayon sa quarantine si Pasig City Mayor Vico Sotto matapos pumanaw ang kanyang driver dahil sa COVID-19 noong Biyernes.

“Kasalukuyan ako po ay naka-quarantine. Nag-COVID-19 test na rin po ako, nag-PCR test po ako kahapon bilang ako po ay naging isang close contact. Strictly susunod po tayo sa mga protocols natin,” banggit ng alkalde sa Facebook, Lunes.

“Hindi muna ako makakapasok sa trabaho at kina-cancel ko muna ang mga appointment o meeting,” dagdag niya.

Dalawang linggo na aniya ang nakalilipas mula nang huling ma-expose siya sa kanyang “matalik na kaibigan.”

The post Vico Sotto naka-quarantine first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/vico-sotto-naka-quarantine/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=vico-sotto-naka-quarantine)