Nakumpleto na ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang 14 araw niyang pagka-quarantine makaraang mamatay sa COVID-19 ang driver niya.

Nag-negative sa coronavirus si Sotto apat na araw matapos ang huli niyang contact sa kanyang COVID positive driver pero tinapos pa rin niya ang 14-day quarantine period.

“My last night of quarantine! 1. Nag negative ako sa PCR test nung ika-apat na araw mula exposure, kaya safe yung nakasalamuha ko pa nung March12; 2. Kahit negative, tinapos ko pa rin ang 14days dahil ito ang sabi sa DOH Guidelines. Maaari kasing nag iincubate pa lang ang virus,” tweet ni Sotto kagabi, Marso 23.

Pumanaw ang driver ni Sotto dulot ng COVID-19 noong Marso 15.

The post Vico Sotto tapos na mag-quarantine first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/vico-sotto-tapos-na-mag-quarantine/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=vico-sotto-tapos-na-mag-quarantine)