Hindi sinang-ayunan ng isang 11-anyos na estudyante sa South Cotabato ang paglalarawan ng isang learning module na “matapang” ang lalaki habang “iyakin” naman ang babae.

Trending ang Facebook post ni Michael Jess Lapid tungkol sa sulat ng kanyang anak na si Miguel para sa Department of Education.

Sa liham, pinunto ng Grade 5 na mag-aaral ng Polomolok Central Elementary School ang aniya’y “gender bias” sa isang aktibidad sa kanyang “Sex and Gender at mga tungkuling kaakibat nito” module.

Dapat kasing pagtugmain ng bata ang “tamang katangian” ng mga lalaki at mga babae.

Sa answer key, nakasaad na ang mga katangian para sa lalaki ay “astig, malakas, matapang” habang ang para sa babae ay “iyakin, mahinhin, paiba-iba ang modo.”

“I feel that this is oddly gender-biased since some males aren’t strong and tough, but some females are,” ani Miguel sa DepEd.

“In summary, this activity may hurt people who see it because of its stereotyping and bias,” dagdag niya.

Kahit bata pa lang si Miguel ay maalam na ito sa mga isyu ukol sa kasarian, ayon sa tatay, dahil tinuturuan siya ng kanyang mga magulang at guro.

The post VIRAL: 11 anyos pinuna gender bias sa module first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/viral-11-anyos-pinuna-gender-bias-sa-module/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=viral-11-anyos-pinuna-gender-bias-sa-module)