Lampas 10 milyong katao na ang gumaling mula sa coronavirus disease sa Brazil.

Ayon sa dashboard ng JHU-CSSE, Linggo, 10,082,593 na ang nakarekober doon mula sa nakahahawang sakit.

Top 2 anila ang Brazil sa pinakamaraming COVID-19 recoveries worldwide, matapos ang India.

Samantala, 11,439,558 na ang nahawa habang 277,102 na ang namatay sa naturang bansa dahil sa nasabing virus.

Pumangalawa ang Brazil sa US sa pinakamaraming COVID-19 cases at deaths worldwide, batay pa sa dashboard.

The post Virus survivor sa Brazil akyat sa 10M first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/virus-survivor-sa-brazil-akyat-sa-10m/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=virus-survivor-sa-brazil-akyat-sa-10m)