Para kay Health Secretary Francisco Duque III, maling sabihin na “10 steps back” ang Pilipinas sa laban nito sa pandemyang COVID-19.

Nagkomento si Duque sa pahayag ni dating Health Secretary Esperanza Cabral na ang bansa ay “hindi back to square one” kundi “ten steps back from square one” sa COVID-19 response nito.

“Hindi naman siguro tama na sasabihin na ten steps backward. Please lang. Isipin naman ‘yung malasakit nila sa healthcare workers natin na ang kabayanihan ay ‘di mapantayan,” ani Duque sa Teleradyo, Biyernes.

“Ang daming mga buhay ang nasalba, kinalinga, pinagaling. Sana naman ‘wag ganun kalupit ang kanilang mga opinyon. Kawawa naman tayong mga lingkod-bayan na talagang halos walang patid ang paninilbihan natin,” giit niya pa.

Sa kanyang pahayag, na tinweet ni Dr. Tony Leachon, pinunto ni Cabral na muling tumataas ang mga kaso ng COVID-19 at muling napupuno ang mga ospital ngayon, gaya noong nakaraang taon.

“The COVID-19 cases are surging, the hospitals are once again full. So are we back to square one? … We are not back to Square one. We are ten steps back from Square one,” ayon pa sa dating health secretary.

Kahapon, nadagdagan ng 5,290 ang mga taong nagpositibo sa coronavirus sa Pilipinas, kaya 640,984 na ang kabuuang bilang.

The post ‘Wag ganun kalupit! Duque pinalagan ex-DOH chief first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/wag-ganun-kalupit-duque-pinalagan-ex-doh-chief/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=wag-ganun-kalupit-duque-pinalagan-ex-doh-chief)