Ningas-kugon approach vs COVID, back to square one – Nancy

Sa pagtatayang maaaring umabot sa 8,000 ang kaso kada araw sa Metro Manila sa katapusan ng Marso, naalarma si Senadora Nancy Binay na hindi masunod ang minimum health protocol sa pampublikong lugar sa bansa.

Ayon kay Binay, maging ang mga lider ng bansa at nagpapakita ng ‘ningas-kugon’ na ugali at nakakalimutan na ang banta ng coronavirus.

“What’s ironic is that after a year since the lockdown, naririto pa rin tayo… hindi umuusad. Parang walang nagbago—same problems, same issues, same recommendations (hard lockdown, curfew, liquor ban, etc),” pahayag ng senadora.

Sabi ni Binay, ang pagda-downplay umano ng DOH sa pagtaas ng mga kaso at ang rekomendasyon ng iATF na bukasan ang turismo, resort, sinehan at iba pa ay nakalikha ng impresyo na balik na tayo sa normal na hindi aniya tamas a kasalukuyan.

“Nalulusasaw ang mensahe na dapat maging vigilant pa rin tayo dahil mas lalong lumalakas ang COVID. Walang mangyayari sa atin kung kakapitan natin ang mantra na ‘OK na dahil meron ng bakuna’. It’s the perception that ‘everything is OK’ is what makes it not-OK,” punto nito.

Hindi rin aniya maganda ang pinapakita ng ilang opisyal ng gobyerno na hindi sinusunod ang minimum health protocol sa gitna pa rin ng pagtaas ng kaso na virus.

“Di ba, how can we expect people to consciously follow health protocols when even our national and local government officials do not conscientiously follow minimum health protocols?” ani Binay.

“Kahit anong curfew o liquor ban ang gawin, if we see people in government freely travelling to beaches and resorts, and organizing public gatherings as if everything is back to normal, talagang magre-relax din ang mga tao,” dagdag pa nito.

Nagbibigay din aniya ng hindi magandang senyales sa publiko ang pagbabalewala sa pagtaas sa kaso ng virus at pagbibigay ng katiyakan na babalik na sa normal ang lahat dahil sa pagdating ng bakuna laban sa COVID-19.

“Wag sanang ningas-cogon—yung sa umpisa lang tayo masigasig, tapos dedma na. No matter how long we impose curfews, or even considering enacting ordinances as an institutional response to abate the surge of COVID cases, lahat yan di magiging effective if we continue to display a relaxed atmosphere in the midst of a worsening public health crisis,” ani Binay.

“Dapat munang ayusin ng IATF at ng Palasyo ay ang ‘messaging’, because the varying, irrelevant, and inconsistent messaging create public confusion, and damage whatever gains we have had in the fight against COVID,” wika pa nito.

The post Walang malinaw na exit plan! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/walang-malinaw-na-exit-plan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=walang-malinaw-na-exit-plan)