Maliban na kung pabilisin ng gobyerno ang pagpabakuna laban sa coronavirus, sa taong 2033 pa maabot ang tinatawag na “herd immunity,” ayon kay Senador Panfilo Lacson.

Sabi nito, mai-improve pa naman ang pagtugon ng pamahalaan sa pandemya, isang taon matapos magpatupad ng community quarantine sa Metro Manila para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

“Unless we accelerate the pace of vaccination, medyo matatagalan tayo,” sabi ni Lacson, kasabay ng pagsabing 114,615 pa lang ang nakakakunaha sa kasalukuyan.

“At the rate of about 4,000 a day, assuming that the vaccination is not accelerated and assuming we will have the vaccines for the 70-million targeted population for herd immunity, we might not achieve herd immunity until 2033 at the rate we’re doing it now,” sabi ni Lacson.

“But if we accelerate and I hope the government would accelerate the vaccination rollout, then maybe we can advance the timetable,” dagdag pa nito sa panayam sa CNN Philippines.

Ayon kay Lacson, kailangang ikonsidera ang suplay ng bakuna at hindi lang ang logistics para makaabot ang bakuna sa mga target na indibidwal.

“We really need to procure and vaccine czar Carlito Galvez Jr. is scrambling to really work on the supply. We can only hope na walang gaps ang deliveries para walang hinto at instead, tuloy-tuloy ang bakuna,” ani Lacson.

Bagama’t maganda aniya ang halkbang na magpatupad ng curfew sa Metro Manila mula 10 o.m. hanggang 5 a.m. at paggamit ng police power dahil nasa estado pa rin ang bansa sa public health emergency, sinabi ni Lacson na maari pang mapaganda ito ng gobyerno.

“The recent move to impose curfew at least in Metro Manila is a good move. And the government should really use its police power because we’re still under a state of public health emergency under Presidential Proclamation 922,” ayon kay Lacson.

“Kung ganoon ang attitude and they already rated themselves as doing an excellent job, hindi na sila mag-i-improve kasi sagad na. So we have a problem if they actually believe it,” wika pa nito.

The post Walang tuloy-tuloy na Covid vaccination, walang heard immunity – Lacson first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/walang-tuloy-tuloy-na-covid-vaccination-walang-heard-immunity-lacson/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=walang-tuloy-tuloy-na-covid-vaccination-walang-heard-immunity-lacson)