Inaasahang magtutuloy-tuloy na ang pagdating ng suplay ng COVID-19 vaccines sa bansa sa buwan ng Mayo.

Ito ay matapos ihayag ni World Health Organization (WHO) Country Representative Dr. Rabindra Abeyasinghe na darating sa bansa sa Mayo ang dagdag na 4.5 milyong doses ng AstraZeneca vaccine.

Si Abeyasinghe ang kinatawan ng WHO na sumalubong sa pagdating sa bansa ng unang ipinadalang bakuna ng AstraZeneca na 487,200 doses sa ilalim ng COVAX facility .

“The consignment received today will be followed by up to 4.5 millin doses of AstraZeneca vaccine, scheduled to arrive before the end of May in batches,” ani Abeyasinghe.

Sinabi ng WHO official na ang makukuhang bakuna ng gobyerno sa COVAX facility ay magliligtas at magbibigay proteksiyon sa 20% ng mga Pilipino mula sa panganib ng COVID-19.

Sinabi ni Abeyasinghe na ang pagdating ng donasyong bakuna sa bansa mula sa WHO ay simbulo ng katatagan, kolaborasyon, kooperasyon at malasakit.

Ito aniya ang patunay ng pagtutulungan para sa iisang hangarin,pagkakapantay -pantay at pagkakaisa.

The post WHO: 4.5M AstraZeneca bakuna darating sa PH sa Mayo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/who-4-5m-astrazeneca-bakuna-darating-sa-ph-sa-mayo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=who-4-5m-astrazeneca-bakuna-darating-sa-ph-sa-mayo)