Premature umano ang pagdududa ng World Health Organization (WHO) na gagamitin ng mga kompanya ng sigarilyo at gatas ang pagbili nito bakuna laban sa COVID-19 para ma-promote ang kanilang mga produkto.

Ayon kay Deputy Speaker at Valenzuela Rep. Wes Gatchalian malinaw sa COVID-19 Vaccination Program Act (Republic Act 11525) na maaari lamang gamitin ng mga pribadong kompanya ang kanilang bibilhing bakuna sa kanilang mga empleyado.

“At this time when we have to win against a pandemic that has caused numerous lives and continues to negatively impact the ability of the Filipino people to work, to go to school, to see their families, we need to unite and make sure no one is left behind and discriminated upon,” ani Gatchalian.

Nauna rito, sinabi ni World Health Organization (WHO) Representative to the Philippines Rabindra Abeyasinghe na ang panukala na pagbawalang bumili ang mga kompanya ng sigarilyo at infant formula na bumili ng COVID-19 vaccine ay mula sa pangamba na gamitin ito para mai-promote ang kanilang mga produkto.

“It is in their best interest to protect their employees. Napakababa naman ng tingin ng WHO sa mga kompanyang ito. They are even donating 50% to the government so they should even be commended,” ani Gatchalian.

Sa hirap umanong bumili ng bakuna, ang uunahin ng mga kompanyang ito ay mabakunahan ang kanilang mga empleyado upang mas mapadali ang pagbabalik sa normal ng kanilang operasyon.

“And by doing so, they are lessening the burden of the national government by not requesting for allocation,” dagdag pa ng solon.

Mas makabubuti umano kung itatabi muna ng WHO ang kanilang walang basehang pangamba at tutulong upang matiyak na walang maiiwan sa pagbabakuna.

The post WHO mababa tingin sa mga tobacco, milk manufacturer – solon first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/who-mababa-tingin-sa-mga-tobacco-milk-manufacturer-solon/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=who-mababa-tingin-sa-mga-tobacco-milk-manufacturer-solon)