Isa si Manila Mayor Isko Moreno sa hinihimok ng bagong koalisyon na 1Sambayan para tumakbo sa 2022 at banggain ang mga pambato ng administrasyon.

Ayon kay Moreno, nagpapasalamat siya sa 1Sambayan, na pinamumunuan ni retiradong Supreme Court justice Antonio Carpio, na napasama ang kanyang pangalan sa gusto nilang tumakbo bilang presidente.

“I’m honored and thankful to the organizing committee for giving me such honor to be included in those list na pwede nilang maconsider,” saad ni Moreno sa panayam ng ANC.

Ngunit paliwanag ni Moreno, sa ngayon ay naka-focus siya sa COVID-19 response at hindi muna gustong pag-usapan ang tungkol sa politika.

“It’s quite unfair to our viewers, especially Manilans to talk about politics for the remainder of minutes in this show because we continue to really address now the surge on the numbers of infections,” aniya pa.

Ilan pa sa mga napipisil na pambato ng 1Sambayan ay sina dating Senador Sonny Trillanes, Senadora Grace Poe at Nancy Binay, maging si Vice President Leni Robredo.

The post Yorme tinulak maging presidente: Wala pa kong panahon sa politika – Moreno first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/yorme-tinulak-maging-presidente-wala-pa-kong-panahon-sa-politika-moreno/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=yorme-tinulak-maging-presidente-wala-pa-kong-panahon-sa-politika-moreno)