Umuga ang 10 lindol sa Kanlaon Volcano sa nakalipas na 24 oras mula Martes hanggang ngayong Miyerkoles, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Bukod dito, nagpakawala rin ang bulkan ng mahinang usok na umabot sa 300 metro ang taas.

Naglabas din ito ng sulfur dioxide (SO2) sa average na 849 tonelada kada araw noong Abril 12. Ang SO2 ang nagsasaad ng pataas na galaw ng magma sa bukana ng bulkan.

“These parameters may indicate hydrothermal, tectonic, or deep-seated magmatic processes occuring deep beneath the edifice,” ayon pa sa Phivolcs sa 8 AM bulletin nito, Abril 14.

Nananatili ang Alert Level 1 sa naturang bulkan, na nangangahulugang nasa abnormal pa rin itong kondisyon at pumasok na sa “period of unrest”.

Mariing minumungkahi ng Phivolcs ang mahigpit na pagbabawal sa pagpasok sa permanent danger zone o PDZ ng Bulkang Kanlaon, dahil maaari anilang maganap ang biglaan at mapanganib na steam-driven o phreatic eruptions.

The post 10 lindol naitala sa Kanlaon first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/10-lindol-naitala-sa-kanlaon/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=10-lindol-naitala-sa-kanlaon)