Umakyat na sa 10,227 medical frontliners sa Davao Del Norte ang naturukan ng COVID-19 vaccine.

Napaulat na 5,731 healthcare worker ang tinurukan ng bakuna na gawa ng AstraZeneca, habang 4,496 naman ang sa Sinovac.

Ayon sa provincial health office, halos kalahati na ito ng 21,996 medical frontliners sa lalawigan na target nilang mabakunahan laban sa coronavirus.

The post 10.2K health worker sa Davao Del Norte bakunado na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/10-2k-health-worker-sa-davao-del-norte-bakunado-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=10-2k-health-worker-sa-davao-del-norte-bakunado-na)